π§ “I’m perfectly lonely ‘coz I don’t belong to anyone and nobody belongs to me.”
Sa dami ko naranasang heartbreak, konti nalang mamamanhid na ‘ko. Minsan nga nakakasanayan ko nalang masaktan, ine-enjoy ko nalang. Kung bakit ba naman kasi ang daming paasa at manlolokong lalaki sa mundo. Madami na nga sila, lalo pa silang dumadami na para bang silang yung nanganganak. Nakakapagod na tuloy. Nakakapagod na masaktan.
Nitong mga nakaraan, pinipigilan ko na magka-crush. Pinipigilan ko na manood ng mga korean movies na love story para di mainspired. Pinipigilan ko na mag-stalk para di masaktan. Pinipigilan ko na sarili ko gumawa ng paraan para makita si crush para di na ko umasa. Pinipigilan ko sarili ko magmahal ulit. Nakakapagod na kasi. Masaya sana pero pag medyo katagalan, ikaw nalang pala may gusto. Sa bandang huli ikaw nalang pala maiiwan, nagiisa ka nalang.
Di pa naman ako sobrang bitter, medyo palang ‘toh kahit mukhang sobra. Naniniwala parin naman ako sa “happily ever after”, pakiramdam ko nga lang e hindi para sa’kin. Minsan iniisip ko na baka taga-Edsa yung Mr.Right ko kaya natraffic ng pagkatagal-tagal. Madalas naman, pakiramdam ko di para sa akin yung pag-aasawa. Hindi ko alam kung takot lang ba ako o tomboy ako (De joke lang, di ako tomboy). Siguro nga takot lang ako. Pakiramdam ko kasi wala ako nung mga katangian ng perfect wife and mother. Feeling ko never ako magiging ganun. Bukod sa medyo madalas tamad ako, hindi ako yung tipong gustong pag-aralan o matuto sa halos lahat ng bagay, takot din ako sa commitment, di ako submissive, nagbabago isip/decisions ko every 2 seconds at higit sa lahat hindi na ko madaling magtiwala.
So, yun nga. Pakiramdam ko talaga di para sa akin yung pag-aasawa pero kung may makatapat akong magpapabago ng pakiramdam ko, baka maniwala akong meron din akong Prince Charming. Sa ngayon, enjoyin ko muna ‘tong laging pag-he-hello sa’kin ng salitang heartbreaks. Mas ienjoyin ko muna yung oras ko kasama mga kaibigan,pamilya at trabaho ko.